Walang Ibang Sadya by Joey Ayala
Walang Ibang Sadya by Joey Ayala

Walang Ibang Sadya

Joey Ayala * Track #2 On Panganay ng Umaga

Walang Ibang Sadya Lyrics

[Verse 1]
Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
Sayaw sa indayog ng talahiban
Aanhin ang tainga kung hindi mapakinggan
Ang awit ng hangin sa punongkahoy

[Verse 2]
Aanhin ang labi kundi madampian
Ng ulan o 'di kaya'y mahagkan ng ilog
Pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito

[Verse 3]
Bulaklak sa paanan, naghihintay ng pansin
Ano ba ang buhay niya kung 'di mo langhapin
Ang bato sa batis kinis nya'y masasayang
Kung 'di mo mahaplos ang pisngi niyang alay

[Verse 4]
Anhin pa ang balat kung 'di maramdaman
Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
Langhapin, haplusin, pansinin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito

[Instrumental Break]

[Outro]
Gano'n din ang tao nang siya'y mahalin
Ang tanging pangarap, tanging katuparan

Walang Ibang Sadya Q&A

Who wrote Walang Ibang Sadya's ?

Walang Ibang Sadya was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com