Bata-Batuta by Joey Ayala
Bata-Batuta by Joey Ayala

Bata-Batuta

Joey Ayala * Track #5 On Panganay ng Umaga

Bata-Batuta Lyrics

[Verse 1]
Bata batuta, isang pera muta
'Di ka mahal ng mundo
Inulila't iwinala
Sino ang aangkin sa iyo?

[Verse 2]
Bata batuta, isang perang muta
Saan ka nga ba nanggaling
Ikaw ba'y hulog ng langit
O bunga ng putik at lupa

[Verse 3]
Magulang mo'y walang mukha
Alaalang ibinaon sa semento
Panaginip mo'y napupuno
Ng 'di nakikilalang mga tao

[Verse 4]
'Pagkat kulang sa pag-ibig
Ang kinaroroonang mundo
Sa paglaki, matututunan mong
Manakit at manloko

[Verse 5]
Ngunit sa ibabaw ng lahat
Ako'y pinahahanga mo
Saan nakukuha ang lakas
Makipaglaro sa aspalto

[Verse 6]
O bata batuta, umasa ka at mangarap pa
Panahon lamang ang namamagitan
Sa ngayon at sa bukas
At iyo ang bukas

[Instrumental Break]

[Verse 7]
Bata batuta, isang perang muta
Ikaw ang binhi ng buhay
Sa taglay mong pangarap
Ang bukas ay naghihintay
Naghihintay

[Outro]
Hmm hmm hmm

Bata-Batuta Q&A

Who wrote Bata-Batuta's ?

Bata-Batuta was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com