[Verse 1]
Nais kong lumipad tulad ng agila
At lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang
At maaaring 'di matupad
[Verse 2]
'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At 'pag walang puno, wala na rin mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na siyang dahilang lumipad
[Chorus]
O haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Kung nais mong makakita ng agila
Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitira'y bihirang magpakita
[Verse 4]
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyang nang mawawala
[Instrumental Break]
[Chorus]
O haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay
[Chorus]
O haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay
Agila (Haring Ibon) was written by Joey Ayala.