[Verse 1]
Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan
[Verse 2]
Hindi mo ba maramdaman? Nanginginig ang lupang inaapakan mo
Ang dating 'di gumagalaw, ngayo'y 'di na mapigil, 'di na masugpo
[Verse 3]
Usok, isinilang sa impiyerno't binitiwan
Sumasayaw-sayaw, naglalakbay patungong kalangitan
Sinusumbong sa hangin ang umaalsang apoy sa katimugan
Taglay ang bahid na itim, bandilang isinabit sa katahimikan
[Refrain]
Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm
Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm
[Verse 2]
Hindi mo ba maramdaman? Nanginginig ang lupang inaapakan mo
Ang dating 'di gumagalaw, ngayo'y 'di na mapigil, 'di na masugpo
[Verse 4]
Usok, sakay-sakay ng hanging amihan
Dala-dala'y aralin na galing pa sa kasaysayan
[Verse 5]
Ang taong nagpupunyagi, aahon at aahon din sa kahirapan
Ang taong inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway
[Refrain]
Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm
Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm
[Verse 5]
Ang bayang nagpupunyagi, aahon at aahon din sa kahirapan
Ang bayang inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway
[Verse 1]
Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan
[Verse 1]
Usok mula sa lalamunan ng bulkan
Nagsasabing may nagbabaga
Usok was written by Joey Ayala.