Panganay Ng Umaga by Joey Ayala
Panganay Ng Umaga by Joey Ayala

Panganay Ng Umaga

Joey Ayala * Track #1 On Panganay ng Umaga

Panganay Ng Umaga Lyrics

[Verse 1]
Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

[Verse 2]
Mga burol at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo

[Verse 3]
Lawa, ilog, dagat
Lamig, tamis, alat
Ulan, agos, alon
Haplos sa pisngi ng panahon

[Verse 4]
Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy, awit ng hangin
At sigaw ng buhawi, hey

[Interlude]

[Verse 5]
Ako'y tao lamang
Tagabigay ng pangalan
Tagasukat, tagabilang
Munting butil sa sanlibutan

[Verse 1]
Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Panganay Ng Umaga Q&A

Who wrote Panganay Ng Umaga's ?

Panganay Ng Umaga was written by .

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com