Maglakad by Joey Ayala
Maglakad by Joey Ayala

Maglakad

Joey Ayala * Track #3 On Panganay ng Umaga

Maglakad Lyrics

[Verse 1]
Tipo bang walang magawa
Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
Ganyan ang pirming nangyayari
Sa laging nakakulong sa bahay
Hindi sapat ang managinip na lang buong araw
'Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
Ang tanging gamot sa kainipan ay

[Chorus]
Maglakad, maglakad sa lansangan
Maglakad, maglakad, kay raming makikita
Maglakad, maglakad, igalaw ang 'yong paa
Maglakad sa lansangan

[Verse 2]
Isuot ang 'yong sapatos, tsinelas o bakya
Kung ika'y ganahan ay puwedeng magpaa
At maglakad nang dahan-dahan, huwag kang maghabol
Iyo ang panahon, easy lang

[Chorus]
Maglakad, pagmasdan
Sari-saring mga hayop
Mga manok na nagtatawiran
Asong nagliligawan (Aw)
Pusang nagpapaaraw (Meow meow)
Naliligong kalabaw
Kambing nagmemeryenda
At marami pang iba

[Instrumental Break]

[Chorus]
Maglakad, pagmasdan
Sari-saring mga tao
Mga lolang nakatabako
Mga nagkukutuhan sa hagdan (Huli ka)
Mga lolong de-baston
Mga batang walang pantalon
Nagkekembutang mga dalaga
At marami pang iba

[Verse 3]
Alam niyo (Oh, ano?)
Kahit matanda na ako, eh
Mahilig pa rin akong manood ng mga chicks (Pare naman)
Problema nga, eh, laging naninigas itong aking tuhod (Ayan)

[Chorus]
Maglakad sa lansangan
Sariwain ang isipan
Tanggalin ang iyong inip
Luwagan ang ulong naninikip

[Chorus]
Maglakad, maglakad sa lansangan
Maglakad, maglakad, kay raming makikita
Maglakad, maglakad, huwag magmadali
Iyo ang panahon, easy lang

[Chorus]
Maglakad, maglakad
Maglakad, maglakad
Maglakad, maglakad
Sige na
Tara na

Maglakad Q&A

Who wrote Maglakad's ?

Maglakad was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com