Ulan Sa Siyudad by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad
Ulan Sa Siyudad by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Ulan Sa Siyudad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad * Track #11 On Magkabilaan

Ulan Sa Siyudad Lyrics

[Verse 1]
Ang bawat patak ng ulan sa siyudad
Ay patak ng payapa
Sa bubong ng isipan
Hala umulan ka, o kaibigang langit
Diligan ng payapa ang puso at isip

[Verse 2]
Hayaang uminom sa katas ng buhay
Ang mga pagod
Sa maghapong trabaho
Hayaang magtampisaw
Sa galak at tagumpay
Ang batang tumanda
Sa paghahanapbuhay

[Verse 3]
Pagmasdan mo, o anak ng siyudad
'Di mabilang ang patak ng ulan
Ikaw, tulad niya ay 'di nag-iisa
Sa daloy ng ating kasaysayan

[Instrumental Break]

[Verse 4]
Basbasan, basbasan, o patak ng ulan
Basbasan kaming nagpupunyagi
'Pagkat tulad mo, kami'y nagtatagpo
Sa daloy ng aming kasaysayan

[Verse 5]
Ang bawat patak ng ulan sa siyudad
Ay patak ng payapa
Sa bubong ng isipan

Ulan Sa Siyudad Q&A

Who wrote Ulan Sa Siyudad's ?

Ulan Sa Siyudad was written by Joey Ayala.

Who produced Ulan Sa Siyudad's ?

Ulan Sa Siyudad was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com