Manong Pawikan by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad
Manong Pawikan by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Manong Pawikan

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad * Track #9 On Magkabilaan

Manong Pawikan Lyrics

[Verse 1]
Manong, manong pawikan
Tahanan ay pasan-pasan
Wala ba kayong mapaglagyan
Sa lupang kinagisnan

[Verse 2]
Sa hampas ng alon
Sa agos ng daang-taon
Patuloy kayong gumagapang
Yapos-yapos ng putikan
Subalit sa laot
Laya niyo'y natitikman
Lumulutang, sumisisid
Sa kailalim-laliman

[Verse 3]
O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

[Verse 4]
Manong, manong pawikan
Tayo ba'y magkaangkan
Ako ma'y may tahanan
Subalit walang mapaglagyan

[Verse 5]
Ang lupang namalayan ko'y
Punung-puno ng bakuran
Na lalong pinatibay
Ng titulo't kasulatan
O manong pawikan
Di ko maintindihan
Ang lupang pinanggalingan ko
Ngayo'y ari-arian

[Verse 6]
O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

[Outro]
Ah ah ah

Manong Pawikan Q&A

Who wrote Manong Pawikan's ?

Manong Pawikan was written by Joey Ayala.

Who produced Manong Pawikan's ?

Manong Pawikan was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com