Magkabilaan Lyrics

[Verse 1]
Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
May puti may itim, liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim

[Verse 2]
Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid

[Refrain]
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan
Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan
Ang nagpapanday ng gusali at lansangan
Maputik ang daan tungo sa dampang tahanan

[Verse 4]
May mga haring walang kapangyarihan
Mayroon ding alipin na mas malaya pa sa karamihan
May mga sundalo na sarili ang kalaban
At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan

[Refrain]
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo

[Instrumental Break]

[Verse 5]
May kaliwa’t may kanan sa ating lipunan
Patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban
Pumanig ka, pumanig ka huwag ng ipagpaliban pa
Ang ‘di makapagpasiya ay maiipit sa gitna

[Verse 6]
Bulok na ang haligi ng ating lipunan (Magkabilaan ang mundo)
Matibay ang pananalig na ito’y palitan (Magkabilaan ang mundo)
Suriin mong mabuti and iyong paninindigan (Magkabilaan ang mundo)
‘Pagkat magkabilaan ang mundo (Magkabilaan)

[Refrain]
Magkabilaan ang mundo (Ang mudo'y magkabilaan)
Magkabilaan ang mundo (Oh)
Magkabilaan ang mundo

Magkabilaan Q&A

Who wrote Magkabilaan's ?

Magkabilaan was written by Joey Ayala.

Who produced Magkabilaan's ?

Magkabilaan was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com