Padayon Lyrics

[Verse 1]
Isang basong tubig galing sa poso
Inutang na kanin at malamig na ginamos
Kaunting asin sa plastic na platito
Busog na bay, puwede nang magtrabaho

[Verse 2]
Sa aking balikat ay papasanin
Tatlong daang kilo ng asukal
Limang daang sako ng denorado
Sanlibong kaha ng delata
Sampung tonelada ng harina

[Verse 3]
Kalawanging bubong, pader na may butas
Posteng pilay at sahig na paduyan-duyan
Itong aking palasyo'y pagkatibay-tibay
Pero puwede na pre, tuloy ang hanapbuhay

[Verse 4]
Ngayong araw ay tatapusin ko
Isang subdibisyon, limampung hektarya
Tatlong dosenang mansyon na magara
Higanteng gusaling likha sa semento
Kilo-kilometro ng kalsada

[Verse 5]
Oh, kay tamis ng buhay
Oh, kay daling umasenso
Hangarin ko'y makatikim ng kaunting hayahay
Subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay
'Pagkat walang ibang makagagawa nito

[Verse 6]
Paandarin ang makinarya
Bigyan ng buhay ang industriya
Patakbuhin ang ekonomiya
Padayunon ang pagpangita

[Outro]
Padayon
Padayon
Padayon
Padayon

Padayon Q&A

Who wrote Padayon's ?

Padayon was written by Joey Ayala.

Who produced Padayon's ?

Padayon was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com