Talambuhay Lyrics

[Verse 1]
Noong ako’y ‘sang bata pa ako’y nagtataka
Kung saan nagmumula ang ilaw t’wing umaga
Tinuro ni ina ang bilog ng araw
Ito ay aking tiningnan at ako ay nasilaw

[Verse 2]
Ngayon alam ko na ang araw ay isang bituin
At tuwing gabi sa langit ako’y nakatingin
Libo-libong tala dito’y nagkikislapan
Libo-libong kasama sa dilim at kalungkutan

[Refrain]
Araw sa umaga
Bituin sa gabi
Tala ng buhay
Kasama sa dilim at kalungkutan

[Verse 3]
Nang tayo ay magtagpo sa parang ng buhay
Pagkatao ko ay nagising sa ‘yong kamay
Pinag-aralan natin ang sining ng pag-ibig
Ako’y nagkalakas-loob, tumibay, tumindig

[Verse 4]
Ngayon alam ko na ang pag-ibig ay isang bituin
Batid mo ang tanglaw kahit ‘di kayang abutin
Ika’y biglang tumungo kung saan ‘di ko alam
Kasama ngayon sa pag-iisa’y pag-ibig na naiwan

[Refrain]
Araw sa umaga
Bituin sa gabi
Tala ng buhay
Aanhin itong pag-ibig na naiwan

[Instrumental Break]

[Verse 5]
Nang malasahan ko ang dahas nitong mundo
Pag-ibig na naiwa’y nagkabagong-anyo
Naintindihan ko na ika’y naging tala
Ang ilaw mo’y tumatagos sa gabing nagluluksa

[Verse 6]
Ngayon alam ko na kitang tanan ay mga bituin
Mahina man ang ilaw, ang araw ay darating
At tayo’y liliyab
At ang gabi ay masisilaw
Sa libo-libong kasamang
Nagbibigay-tanglaw

[Refrain]
Araw sa umaga
Bituin sa gabi
Tala ng buhay
Kitang tanan pala’y mga bituin
Pag-ibig natin ay magniningning

Talambuhay Q&A

Who wrote Talambuhay's ?

Talambuhay was written by Joey Ayala.

Who produced Talambuhay's ?

Talambuhay was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com