Tatang Lyrics

[Verse 1]
Si Tatang ay bayani ng nakaraang
Digmaang pandaigdig
Kanang paa’y inalay sa bayan

[Verse 2]
Sabi nila siya’y ulyanin na
At ‘di na makapagsalita
Sa wari ko, siya’y nagpapanggap lamang
Nagmamaang-maangan

[Verse 3]
Bandilang kupas ay isinabit sa dingding ng silid
Tanda ng sugat na kailanpama’y ‘di magmamanhid

[Instrumental Break]

[Verse 4]
Marahil madalas niyong magunita
Ang buhay niyo noon
Ang hirap at pagtitiis ng gerilya

[Verse 5]
Umaalingawngaw sa isipan niyo
Ang sigaw ng kapwa sundalo
Ilang buhay ba ang nakitil sa paglalaban?
‘Di mabilang
Sa sagupaan kayo’y naghasik ng dugo
Upang ang kapayapaa’y sumibol
At tumubo sa lupa, sa puso

[Verse 6]
Tatang, Tatang alam kong alam niyo
Bihag pa rin ang lupang
Diniligan ng dugo
Ang kapayapaa’y nakatanim na sa puso
Nguni’t ang kalaban ay naririyan pa
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la (La-la-la)
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la-la

[Verse 7]
Tatang Tatang alam kong alam niyo
‘Di sapat ang libu-libong baril at hukbo
Patuloy ang digmaan, iba lang ang anyo
Ang kalaban ay naririyan pa

[Verse 7]
Tatang Tatang alam kong alam niyo
‘Di sapat ang libu-libong baril at hukbo
Patuloy ang digmaan, iba lang ang anyo
Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa

Tatang Q&A

Who wrote Tatang's ?

Tatang was written by Joey Ayala.

Who produced Tatang's ?

Tatang was produced by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com