Verse
Hakbang palapit hakbang palayo
Nagbabagang tinatapakan sa ulo may palayok
Ganyan ang pakiramdam sa mga nagdaan na araw
At ang pinsan ni kamatayan minsan na lang kung dumalaw
Dumarating ang araw ang oras ninanakaw
Mga oppurtunidad ay unti-unting pumapanaw
Kaya nagtataka paano nakapagtapos
Ngayon alam ko na ang dahilan kung sakaling magtapos
Ang buhay
Langhiya naman paano makatulog
Pagpinilit pumikit parang sa ulo merong bubog
At pagnaka idlip sa hagdanan nahuhulog
Gising naman ulit sa klimang parang merong sunog
Medisana walang tulong hindi naman gumugulong
Gustong lang magpahinga pero utak sumusulong
Papunta na naman sa bangayang walang panalo
Kung puyat ay trabaho ako ay milyonaryo
Chorus
Nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kase ako'y, ako-ako'y
Panay kinig sa bulog hindi pa rin nabibingi
Nako nako nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kaya ako'y, ako-ako'y
Napapaisip sa sarili ako ay walang silbi uh
Verse
Di mo kaya yan di mo kaya yon
Pero kaya mo yan at kaya mo yun
Ayan ka na naman sa iyong kompetisyon
Pinapakomplika ang mga simpleng desisyon
Imbes nakatuon sa mabuting pagbabago
Ang iyong direksyon lageng pabagobago
At laging sinasakto sa oras ng kadlawon
Itong utak ko na blanko sumisigaw na bangon
Upo tayo higa Upo tayo higa
Di ko na alam kung bakit to, walang hiya
Walang hiya, kahit ano pa ang gawin
Walang mabilang na tupa, nagsipagtalunan sa bangin uh
Parang awa naman walong oras lang yan
Inabot ng siyam-siyam ,tatlong ikot na yan
At sa kanyang kamay ako'y nakaposas
Umikot ang mundo di ko mapatay ang oras
Chorus
Nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kase ako'y, ako-ako'y
Panay kinig sa bulog hindi pa rin nabibingi
Nako nako nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kaya ako'y, ako-ako'y
Napapaisip sa sarili ako ay walang silbi uh
Bridge
Baket kalungkutan lumalapit
Pag ganitong oras na
Daming tanong na pasanin
Walang masagot ni isa
Kahit alam ko na dati
Wala pa rin na magawa
Dahil ayaw niya sa akin
Ayaw niya akong magpahinga
Verse
Para pagurin at sa depresyon ako ay lunurin
Ituring mababang uring itong aking kinabuhing
Parang uling na basa sa pagragasa ng baha
Walang namumuong liyab pag ako'y sinalanta
Nasa pangatlong berso na walang paring solusyon
Walang tulog, walang gising, walang nangyari na ganun
Gusto ko lang naman magpahinga
Pero ang bigay sa akin, walang hanggang pahinga wag naman
Chorus
Nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kase ako'y, ako-ako'y
Panay kinig sa bulog hindi pa rin nabibingi
Nako nako nako nako
Nandito na naman di makatulog sa gabi
Kaya ako'y, ako-ako'y
Napapaisip sa sarili ako ay walang silbi uh
Puyat was written by Tatz Maven.
Puyat was produced by Tatz Maven.