Verse
Baket ka nagpapapansin dito sa gilid ko
Nakaraan natin lumpo di na tumatakbo
Kahit ano pa ang gawin di na mabago to
Wala ng himig ng pagibig kahit pa ibirit mo
Ang magandang pagsasamahan
Ang walang hanggan ay sinira lang naman
Dahil di pinakinggan walang rason na manatili
Kung meron dapat sisihin, sisihin ang 'yong sarili
Chorus
Kaya meron pa ba tayong dapat pag-usapan
Matagal na kitang kinalimutan
Meron pa ba tayong dapat pag-usapan
Tingnan muli ang ginawa mo na kulungan
Ako'y nakawala, nakawala
Nakawala,nakawala, nakawala
Kaya meron pa ba tayong dapat pag-usapan
Naku wala, naku wala, naku wala
Verse
Tuyo na ating lupa, mundo natin ay naguho
Nang iniwan mo sa ere nag-aaral nang mahulog
Maglaro man apoy, ako'y di na masusunog
At sa sugat na malalim ako'y di na malulunod
Baket lapit pa ng lapit lubid ba'y isasabit
Sa leeg na nangagawit kakapigil lumingon
Kung saan tayo nanggaling, ayoko ng kumapit
Sa sintang sintas ay hindi na nakatali
Chorus
Kaya meron pa ba tayong dapat pag-usapan
Matagal na kitang kinalimutan
Meron pa ba tayong dapat pag-usapan
Tingnan muli ang ginawa mo na kulungan
Ako'y nakawala, nakawala
Nakawala,nakawala, nakawala
Kaya meron pa ba tayong dapat pagusapan
Naku wala naku naku wala
Panandalian lang pala ang tapang ko na tanggihan
Ang 'yong alok na tayo ay magsama ng muli
Kase paano ba naman ikaw pa rin ang nakikita kong
Imahe paghumaharap sa salamin at ang
Tanging pwede kong gawin ay muling kang mahalin
Ang sarili sa iyo di kayang paghiwalayin
Pipilitin ang pag-iisang dibdib
Ng dalawang pagkataong nasa iisang dibdib
Kaya meron pa ba tayong dapat pagusapan?
Imposible na ikaw ay malimutan
Meron pa ba tayong dapat pagusapan?
Habang buhay bilanggo sa iyong kulungan
Na di makawala, makawala
Makawala,makawala, makawala
Kaya meron pa ba tayong dapat pagusapan
Dito na magtatapos ang ating usapan
Nakawala was written by Tatz Maven.
Nakawala was produced by Tatz Maven.
Tatz Maven released Nakawala on Fri Jun 19 2020.