Verse 1
Hawak ang lapis at kwaderno, ako'y makata na moderno
Fashionista ng tugma mga rima tiniterno
Nakakagulat paginulat ang sinulat ko na bara
Matibay ang istilo parang sinemento mo ang narra
Ako'y bolo na bagong hasa sa kakahuyan
Parang bagyo na raragasa sa karagatan
Mas titikas ang karakas pagnilakasan mo ang beat
Tagos sa puso mga letra kaya nauubusan na ng beat
Sa gitna ng dilim mikropono naging kaibagan
Entablado ang sandigan sa speaker nagsilabasan
Pilit pinagisipan at pilit pinagaralan
Parang guro sa skwelahan nagbibigay ng karagdagang
Kaalaman para maagapan pa ito
Kulturang sinisira ay aayusin ko
Kaya pasintabi sandali meron lang kong gustong sabihin
Na maging rapper madali pero emcee hindi
Chorus
Kase ang pagiging Emcee (Dapat ikaw ay totoo)
Kase ang pagiging Emcee (Ikaw ay ikaw paghawak ang mikropono)
Kase ang pagiging Emcee (Dapat ikaw ay totoo)
Kase ang pagiging Emcee (Ikaw ay ikaw paghawak ang mikropono)
Verse 2
Kalma utak bago sulat para patak ay sangkatutak
Limitasyon itutulak pagiisip mas pinalawak
Saking pagdaloy pagbigkas mas pinatibay ang istilo
Bawat ikot me suntok na parang ako si Ipo-ipo
Mga sapak ay kalkulado tumba ka panigurado
Sa eksaminasyon ng rap sobra pa ako sa pasado
Sobrang taas ng aking grado ngunit malinaw ang mata
Sobrang linaw halos tagumpay ay nakikita ko na
Pero malayo pa ang lakbay me sugat pa at aray
Me sunog pa sa tahanan na dapat kong maipatay
Kaya sa aking pagsalakay sakin makinig
Berso'y itataas parang itinaas ang bibliya
Kaya tama na ang generika hindi to parmasya
Hindi to pera ng pulitiko para iaksaya
Ito'y panahon para sa tunay na musika
Parang sikretong ibubunyag kasi makikinig ka
(Repeat Chorus)
Verse 3
Bago tumapak sa entablado dapat lagi kang ganado
Mag mic check one two, kunin atensyon ng mga tao
Makinig ka sa ritmo para di mawala sa tsempo
Dapat smooth ang flow sa mic para sa tao'y konektado
Sa beat ay nakakandado nagkakaisa
Bawat letra kabisado para makikinig sila
Maririnig na ng iba yung istilong kakaiba
Maging iba ka sa iba diba ganun naman talaga diba? (Uh)
Diba ganun naman kasimple
Wag maging suplado makinig sa payo lage
Ngunit maniwala parin sa sarili mong diskarte
Pagaralan bawat teknika wag lang puro karate
At pare meron ka dapat na tandaan
Na bawat salita sa berso ay katotohan
At para sa iyong kaalaman me sasabihin akong muli
Na maging rapper madali pero Emcee hindi
(Repeat Chorus)
Emcee was written by Tatz Maven.
Emcee was produced by Tatz Maven.