Verse
Di to pagdugtong ng pangungusap, Karugtong ng aking buhay
Parang hangin, tubig, dugo, pagkain kailangan
Nagbibigay ito ng kalakasan
Para aking maagapan mga kalaban nakaharang
Sandata ang diwa yan ang gamit ng panglaban
Walang ginto sa galanggalangan pero sa loob akoy mayaman
Kung gamit ang mata malamang may kakulangan
Sige nasayo na ang lahat nasa akin ang karunungan
Ang kalaba't kakampit ay nasa ating loob
Pero nasasaatin kung sino ang masusunod
Kaya ang himig at tinig ay aking ginamit
Bilang aparato produkto ito aking mga awit
Na isa dalawa o tatlo lang ang nakikinig
Pero lahat sila ay totoo
Kaya aking ikinapit ang pangulong-hatinig
Isang paraan paraan para maradaman ko ang pagibig
Chorus
Isang paraan maramdaman (Ang pagibig, pagibig)
Verse
Di to pagdugtong ng pangungusap, karugtong ng aking buhay
Parang pamilya asawa kaibagan mga tunay na kasama
Gabay at sangay, di magpighwalay
Kahit ipagpilitang ilayo sa isat'isa
Walang pangamba sapagkat ang pahina
Ay bunga ng sipag at walang pahinga
At kahit na ano hindi takot sa mundo
Kahit tingin ng ignorante blankong pahina lang to
Mga punit na papel sinayang na tinta
Para sa inyo ito'y mga simpleng salita
Pero para saken tingin ko dito ay iba
Ito'y obra maestra na ako ang lumikha
Kahit natakot nahiya, hakbang pasulong
At di nagkulong sa mundo na dulo
Kaya akoy nagisip at sa mikropono lumapit
Isang paraan para maramdaman ko ang pagibig
Chorus
Isang paraan maramdaman (Ang pagibig, pagibig)
Outro
Isang paraan, isang paraan, isang paraan (Musika, musika)
Isang paraan para maramdaman ko ang pag-ibig musika
Isang Paraan was written by Tatz Maven.
Isang Paraan was produced by Tatz Maven.