Verse
Mga mata'y nakapiring at tanging gabay namin
Ay kamay na humahawi sa dingding
At ang enerhiya ng aming kabataan
Di nababahahala kung saan makarating
May nakatabon sa mata
Pero kahit na ganun kitang kita na kita
Ika'y pagibig sa unang natingin nadama
Sa iyo namangha kung paano mo to nagawa
Yan ay katanungang di kailangan ng sagot
Mga uri ng blankong nagpapatuloy ng buod
Upang ipagbuklod ang magkaklaseng ibang klaseng samahan
Na natutong magmahal sa silid aralan
Kung saan di lang aralin ang tinakada
Pati tong nakapiring sa sorpresa inihanda
Na syang magiging alaala ating ebidensya
Na kapag itinimbang nabigyan natin ng hustisya
Chorus
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sa aking mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sayong mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sating mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Ang sagot na hinahanap makikita sa
Verse 2
Mga mata'y nakapikit
Nitong mga dalaga at binatang sabay labi dumikit
Upang ipahiwatig sa isa't isa
Na merong kakampi sa kabila ng tinatamasa na sakit
Nakasarang mga mata
Pero kahit na ganun kita ko may luha na
Ramdam natin nag-iba parang merong nagiba
Di na makasalita paano natin na nagawa
Sa oras na ako'y iyong kailangan oras ko ay baliktad
At sa mga oras na iyon mukhang nagbago ang lahat
Napaliko sa kaliwa dahan dahang umatras
Ito na ba ang panahon di na natin mailigtas
Ang isat'isa, matatapos na ba dito
O maging martyr kahit parang namartilyo
Di lang mapako ang pangako isa pa
Isang huling talon pikit mga mata
Chorus
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sa aking mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sayong mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sating mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Ang sagot na hinahanap makikita sa
Verse 3
Mga mata natin dilat at tila kita natin
Ang katotohanang napakabigat
Na baka bisita lang tayo ng kanya kanyang kwento
Saglit lang manatili matatapos ang lahat
Ngunit mulat mga mata
Kaya kahit na ganun kita mo nandito pa
Nandiyan sa tabi mo para maging kasangga
Ipakita sa iyo na araw araw pwedeng pang magsimula
Kahit may harang sa tanawin paniniwala't
Kinabukasang alanganin kanya kanyang hangarin
Maabot din natin
Ito'y maabot din natin
Mga binuong pangarap nung tayo'y nakapiring
Sakripisyong ginawa nung tayo ay nakapakit
Kaya kung takot ka pa't nakatingin sa may sahig
Makikita mong hakbang papalapit papalapit
Chorus
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sa aking mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sayong mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Kung di mo na alam tumingin sating mata
Kaya itapon mo ang mga pangamba
Ang sagot na hinahanap makikita sa
Mata was written by Tatz Maven.
Mata was produced by Tatz Maven.