Tingnan N’yo Lyrics

[Verse 1]
Pitong libong isla sa dagat
Arkipelago
Batong basag, bansang buo
Animnapung milyong tao dito ay namumuhay
Minsa’y nagkaisa, minsa’y hiwa-hiwalay

[Verse 2]
Tingnan niyo, tingnan niyo
Ang lupang ito
Basag na pangarap sa sahig ng mundo
Tingnan niyo, tingnan niyo
Ang lupang ito
Halina’t pulutin ang pira-piraso

[Interlude]

[Verse 3]
Dal’wang dekada ng dilim
Ngayo’y lumipas na
Nguni’t may aninong natitira
Digmaang tahimik, digmaang pabulong
Digmaang mapayapa
Halik ng tingga ay ‘di madama

[Verse 4]
Tingnan niyo, tingnan niyo
Ang lupang ito
Ang anak niyang magiting
Ang siyang nagtago
Tingnan niyo, tingnan niyo
Ba’t ba ganito
Sa kamay ng panday
Ay baril at punglo

[Bridge]
Ha ha ha ha
Ha ha ha
Ha ha ha ha
Ha ha ha ha
Ha ha ha
Ha ha ha ha

[Verse 5]
O mga kapatid sa biyak na bato
Ilan pa ang papanaw nang bansa’y mabuo?
Halina’t iwanan ang lumang digmaan
Panibagong laranga’y ating subukan
O mga kapatid sa biyak na bato
Ilan pa ang papanaw nang bansa’y mabuo?
Halina’t iwanan ang lumang digmaan
Panibagong laranga’y ating subukan

Tingnan N’yo Q&A

Who wrote Tingnan N’yo's ?

Tingnan N’yo was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com