Mga Ninuno Lyrics

[Verse 1]
Mga ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nalilito at naliligaw sa kung saan-saan

[Verse 2]
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya't kapayapaan
Ilang laksang tag-araw na ang nakaraan

[Verse 3]
Ang mga puno'y binuwal
Ilog at dagat ay sinakmal
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan
Ang Inang Lupa ay hinukay
Ginto at pilak hinalukay
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan

[Verse 1]
Mga ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nalilito at naliligaw sa kung saan-saan

[Verse 2]
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya't kapayapaan
Ilang laksang tag-araw na ang nakaraan

[Verse 4]
Mga agham pinaunlad
Ang karununga'y bumukadkad
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan
Ang kabilugan ng buwan
Nilipad at tinungtungan
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan

[Interlude]

[Verse 5]
Mga sandata'y pinalaksan
Nagdalubhasa sa digmaan
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan
Magkapatid ang nagka-away-away
Pulang dugo ang nasa kamay
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan

[Verse 1]
Mga ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nalilito at naliligaw sa kung saan-saan

[Verse 6]
Ang kalikasa'y sinasamsam
Ang kalawaka'y kinakamkam
Ang kapwa tao'y itinakwil
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan
Ngunit wala ro-woah-oh-woah-oh-woah-oh-on ang kasagutan

Mga Ninuno Q&A

Who wrote Mga Ninuno's ?

Mga Ninuno was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com