Bathala Lyrics

[Verse 1]
Bathala
Likha Ninyo ang bawat bagay sa mundo
Lupang kayumanggi't luntiang bukirin
Alat ng dagat at tamis ng hangin
Bathala
Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad
Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang

[Verse 2]
Ang tao
Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
Pinagkalooban ng talino at diwa
Upang mundo'y ipagyaman

[Verse 3]
Talino
Naging ararong nagpaamo sa parang
Naging kumpit na sumagupa sa karagatan
Naging apoy na nagpalayas sa karimlan
Sagana
Sa kayamanan ang mundong Inyong likha
At may bahagi rito ang bawat nilalang
Kung susuyuin lang mula sa kalikasan

[Verse 4]
Subalit
Buhay dalisay ay 'di sapat sa iilan
Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman
Ganid na diyos ang sinamba

[Verse 5]
Pinaghahati-hatian po nila ang lupa
Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na
Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan
Walang nakaliligtas sa kanilang karahasan
Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
Subalit ang lumilitaw ay isang panggagahasa

[Instrumental Break]

[Verse 6]
Bathala
Ako'y hinugis Niyo't pinaahon sa lupa
Ang aking buhay ay dito nagmula
At dito rin inaalay
Bathala
Bigyang-lakas itong inyong tanod lupa
Upang umiral sa mapagsamantala
Panalangin ko'y dinggin sana harinawa
Bathala

Bathala Q&A

Who wrote Bathala's ?

Bathala was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com