[Maya Flores]
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
[Gloc-9]
Mula pa noon ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon ay nakahanda akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon nilakad at dinaanan
Kahit maputikan ang aking sapatos na pinag-ipunan ng hirap at pagod
Sa pagtawid sa tulay na walang gabay
Sugat sa kamay na bawal ang aray kahit mamatay at gutay-gutay pa
Gusto ko lamang sa-bihin ay di mada-li
Ang mga kailangan kong danasin pa-ra
Lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinagkasya ko ang sukling
Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo’y di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba’y kasya pang aking sukli
[Maya Flores]
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
[Gloc-9]
Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang magtapon dapat mag-ipon ako ay pison papatagin
Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin
Sa bawat araw na nagdaraan ako’y laging nagdarasal, Ama Namin
Dambuhala man ang nakaharang ay di tumitigil di papapigil
Kahit kanino ako’y pursigido na parang baguhan, ako’y nanggigigil
Batang pulubi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong (kahit pabulong)
Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay nakahanda akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan
Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag
Sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag
Itak mo’y bingaw, bigas ma’y hilaw wag kang bibitaw wag
[Maya Flores]
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Sukli was written by Gloc-9.