Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
'Di ko alam, ganun lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako
Matatamis na mga salita
Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Halina sa lugar na kung saan
Masaya ang lahat ng mga kawatan
At kahit 'di totoo ang kanyang sinasabi
Lagi siyang pinakikinggan
Walang pakialam sa salitang ilan
Kahit ga'no kamahal ang pinagbilhan
At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye
Lagi siyang napagbibigyan
'Yan ang tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
'Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Matatamis na mga salita
Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Sa mga kasinungalingan mo
Kahit sinabi mong ika'y magbabago
'Yan lang ang pinanghahawakan ko
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Nasan na ang mga pangako mo?
Parang bula, bigla na lang naglalaho
Minsa'y parang kasalanan ko
Dahil, dahil pumapayag ako
Dahil pumapayag ako
Oras na para gumising ka
Ba't di mo subukang buksan ang iyong mga mata?
Kung ayaw nilang tumalon, ba't di ka mauna?
Sige, subukan mo lang ng walang kakaba-kaba
Kung ito ang simula ng wikas
Isa-isa mong burahin ang mga bakas
Bago pa matuyo ang lahat ng katas
At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas)
Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?
Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw
Hanggang sa apatnapu't apat na beses lumitaw
Ang katotohanan, 'wag labanan, tinabunan, ipaglaban
Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa
Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
'Di ko alam, ganun lang talaga
Kung bakit? Bakit pumapayag ako?
Matatamis na mga salita
Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Payag was written by Gloc-9.