Sagwan by Gloc-9 (Ft. Monty Macalino)
Sagwan by Gloc-9 (Ft. Monty Macalino)

Sagwan

Gloc-9 & Monty Macalino * Track #5 On Sukli

Sagwan Lyrics

[Intro: Monty Macalino]
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko
Kung ito’y pabalik sa'yo
Maraming beses mang lumisan pa
Sa'yo pa rin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo
Walang sa'king makakapigil pa, makita lang kita

[Chorus: Monty]
Seaman ang tawag sa amin
Iba't iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

[Verse: Gloc-9]
Si Domingo Evangelista, ako’y nanggaling pang probinsya
Lumuwas do'n sa Maynila, baka sakali lang kumita
Ng panggastos sa bawat araw, nangangarap na balang araw
Mag-sagwan sa malaking bangkang ang tawag ay barko
Tagahugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme kong puti na palaging madumi
Huwag nyo nang tingnan, inyong pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat
Palutang-lutang sa tubig-alat
Makapag-trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya, handang sumabak ang mga

[Chorus: Monty]
Seaman ang tawag sa amin
Iba't iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

[Verse: Gloc-9]
Ako'y mang-aawit sa barko 'pag gabi
Tawag sakin ay Rey pero ang pangalan ko ay Rene
Sunod-sunod ang mga tip kaya laging may pambili
Kahit ano kakantahin, basta malakas ang tili
Kapag bumirit, kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon ay may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na, tila ba walang mapaglagyan
Ng salapi, pag-uwi, mahirap ang mag-ngiti
Parang mali ang tubo ng mga iniwan kong binhi
Nalulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral
Palaging nakangiti, ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal kong asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang siyang dahilan ng sagabal sa buhay

[Hook: Monty]
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko
Kung ito’y pabalik sa'yo
Maraming beses mang lumisan pa
Sa'yo pa rin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo
Walang sa'king makakapigil pa, makita lang kita

[Verse: Gloc-9]
Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa saking kwarto
Paulit-ulit kong sinasabi ang aking pangako
Sa'king pamilya at mga anak, asawang naiwan
Sa Pilipinas, nakakaiyak man di binitawan
Larawan nyo, kahit pa nasusuka na 'ko sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tangi kong baon
At nang lumaon ay makauwi, sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sana'y maintindihan upang muling masindihan
Natin ang kalan at malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli't dadaong sa ibang bayan
Kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko na tinitibayan
Pag-asa na tangan-tangan na singtibay ng kawayan

[Hook: Monty]
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko
Kung ito’y pabalik sa'yo
Maraming beses mang lumisan pa
Sa'yo pa rin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo
Walang sa'king makakapigil pa, makita lang kita

[Chorus: Monty]
Seaman ang tawag sa amin
Iba't iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Sagwan Q&A

Who wrote Sagwan's ?

Sagwan was written by Gloc-9.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com