Hello?
'Di mo madidikta ang syang nasa isip ng tao
Harapin ang katunggali ang makikita'y mukha mo
Salamin laging tinatanong kung ano ang sekreto
Bakit kahit na dehado panalo kahit balato
Lang ang hawak sa kamay, 'pag lumakad ay pilay
Parang hawak na saklay, katapangan na taglay
Kahit mapalayo alam kong pano umuwi
Nagbayad na po ako pero wala pa 'kong sukli
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay nakahanda akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon, nilakad at dinaanan
Kahit maputikan ang aking sapatos
Na pinag-ipunan ng hirap at pagod sa pag–
Tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na
Bawal ang aray kahit mamatay at gutay-gutay pa
Gusto ko lamang sabihin ay 'di madali
Ang mga kailangan kong danasin para
Lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinagkasya ko ang sukling
Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pa ang aking sukli
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang magtapon dapat mag-ipon ako ay pison papatagin
Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin
Sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, Ama Namin
Dambuhala man ang nakaharang ay 'di tumitigil 'di papapigil
Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nanggigigil
Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong
Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan
Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag
Sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag
Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw wag kang bibitaw 'wag
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Sukli [Acoustic Version] was written by Gloc-9.