Payapa Lang by Angela Ken
Payapa Lang by Angela Ken

Payapa Lang

Angela Ken * Track #7 On Angela Ken

Payapa Lang Lyrics

[Verse 1]
Akala mo ay tunay
'yun pala'y may pakay lang sa'yo
Lalapit 'pag mayrong kailangan
'Pag wala'y dadaanan ka lang
Ano kaya 'yon?

[Pre-Chorus]
Malalaman mo kung sino ang totoo
Kung Ika'y aalalayan 'pag ikaw ay sugatan
Kahit walang-wala ka, sila'y nakasuporta
Nagdadalahan paangat, 'di naghihilahan nang pabagsak

[Chorus]
'Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa'yo'y tapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang
Mahalin silang sa'yo'y 'di nang-iiwan
Silang hindi nang-iwan, 'wag mong pabayaan
Konti lang yan
Hmm

[Verse 2]
Akala mo'y seryoso
'yun pala'y meron lang motibo
Pinapaikot lang ang ulo mo
'Di bale nang ikaw ang masaktan
'Wag na 'wag na lang papatulan
'Di ka nag-iisa, siguradong meron sa'yong sasalba

[Chorus]
'Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa'yo'y tapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang
Mahalin silang sa'yo'y 'di nang-iiwan
Silang hindi nang-iwan, 'wag mong pabayaan
Konti lang yan
Hmm

[Outro]
'Di mo kailangang magpaka-tama sa lahat
'Di man perpekto ngunit biyaya Niya'y sapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lang
Basta't ang puso mo'y payapa lang
Hayaan mo na lang
Basta't ang puso mo'y payapa lang

Payapa Lang Q&A

Who wrote Payapa Lang's ?

Payapa Lang was written by Angela Ken.

Who produced Payapa Lang's ?

Payapa Lang was produced by Jonathan Manalo.

When did Angela Ken release Payapa Lang?

Angela Ken released Payapa Lang on Fri Nov 04 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com