[Intro]
La-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
[Verse 1]
Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga
Problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas, pwede bang umiwas?
[Verse 2]
Hinahanap ang sarili ngunit
'Di na kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo?
Sa'n na 'ko patungo?
[Pre-Chorus]
Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"
[Verse 3]
Kada langhap sa hangin
Pansin ko na lagi na lang usok
Walang malinis halos puro polusyon
Parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip, sa'n ba lulugar kapag nagkamali
Grabe sila manghusga, bakit perpekto ba sila?
[Verse 4]
Huminga ka nang malalim at isipin nang mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan kung
[Pre-Chorus]
Dahan-dahan nating simulan muli ang pahakbang (Muli ang paghakbang)
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa ('Di ka nag-iisa)
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna" (Ooh-ooh-ooh)
"Ako naman muna" (Ah-ah-ah)
[Bridge]
Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok
Ang puso mo sa ibabato sa'yo ng iba
Tandaan mong sapat ka
[Pre-Chorus]
Dahan-dahang tanggalin ang maskara at
Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang iangat ang mukha upang
Masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"
[Outro]
Ako naman muna
Ako Naman Muna was written by Angela Ken.
Ako Naman Muna was produced by Jonathan Manalo.
Angela Ken released Ako Naman Muna on Fri Mar 05 2021.