Buti Pa Noon by Angela Ken
Buti Pa Noon by Angela Ken

Buti Pa Noon

Angela Ken * Track #6 On Angela Ken

Buti Pa Noon Lyrics

[Verse 1]
Buti pa nung bata, walang problema
Ang iniisip lang ay paano matulog ng maaga
Sinong bati sa hindi
At sermon kapag gabi umuwi
Oh, kay sarap tanawin
Ng kahapong hindi na maibabalik

[Chorus]
Buti pa noon
Nung bata magkamali man, lahat nagpaparaya
Pero ngayon ay hindi na bata
At 'di na pwedeng bara-barang gawa
Bilin ng lola sa'tin, Toto, para sa iyo rin, Nene
Mga pangaral ni Nanay at Tatay
Pagsisisihan 'pag 'di ka nakinig

[Refrain]
Oh, oh, oh
Pa-ri-ri-ri-ra-ri-ri-da (Buti pa noon)
Oh, oh, oh
Pa-ri-ri-ri-ra-ri-ri-da

[Verse 2]
'Wag niyong sasamain ang bilin ni Lolo sa atin
Na mas mainam habang bata'y sumunod kay Mama at Papa
'Pag tumanda na tayo, iba na ang ikot ng mundo
Hindi na pwedeng sagutin
Ang mga bagay ng simpleng hindi't oo

[Chorus]
Buti pa noon
Nung bata magkamali man, lahat nagpaparaya
Pero ngayon ay hindi na bata
At 'di na pwedeng bara-barang gawa
Bilin ng lola sa'tin, Toto, para sa iyo rin, Nene
Mga pangaral ni Nanay at Tatay
Pagsisisihan 'pag 'di ka nakinig

[Refrain]
Oh, oh, oh
Pa-ri-ri-ri-ra-ri-ri-da (Buti pa noon)
Oh, oh, oh
Pa-ri-ri-ri-ra-ri-ri-da

[Chorus]
Buti pa noon
Nung bata magkamali
Sa bahay lang pagagalitan
'Di tulad ngayon na maski isang maling sambit
Buong mundo ika'y huhusgahan

[Bridge]
Kaya bago maging binata at maging dalaga
Masakit kung minsan mapagsabihan, okay lang
Kung minsan matigas ang ulo
Dahil para din naman satin 'to
Ito ay maghahanda sa'yo
Sa buhay na hindi simpleng biro

[Chorus]
Buti pa noon
Nung bata magkamali man, lahat nagpaparaya
Pero ngayon ay hindi na bata
At 'di na pwedeng bara-barang gawa
Bilin ng lola sa'tin, Toto, para sa iyo rin, Nene
Mga pangaral ni Nanay at Tatay
Pagsisisihan 'pag 'di ka nakinig

Buti Pa Noon Q&A

Who wrote Buti Pa Noon's ?

Buti Pa Noon was written by Angela Ken.

Who produced Buti Pa Noon's ?

Buti Pa Noon was produced by Jonathan Manalo.

When did Angela Ken release Buti Pa Noon?

Angela Ken released Buti Pa Noon on Fri Nov 04 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com