[Verse 1]
Huwag nang mag-alinlangan pa
Kung gusto mo ako, lumapit ka
Huwag nang patorpe-torpe pa
Minsan tuloy ako'y naiinis na
[Pre-Chorus 1]
'Di mo ba ito napapansin
Na ako'y may pagtingin din?
'Di mo ba ito napupuna
Na gusto na rin kita
[Verse 2]
Huwag nang mag-alinlangan pa
Kung gusto mo ako, lumapit ka
Huwag nang patorpe-torpe pa
Minsan tuloy ako'y naiinis na
[Pre-Chorus 2]
Bakit ka ganyan?
Puros ligaw tingin ka na lang
At nung minsan lalapit ka na
Bakit biglang tumalikod pa?
[Chorus]
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka
[Post-Chorus]
(Urong-sulong, urong-sulong)
(Urong-sulong, urong-sulong)
[Verse 3]
Huwag nang pag-isipan pa
Kung gusto mo ako, aminin mo na
Huwag nang patorpe-torpe pa
Minsan tuloy ako'y naiinis na
[Pre-Chorus 3]
Bakit ka ganyan?
Hindi kita maintindihan
Damdamin mo'y tinatago pa
Mabuti pang sabihin mo na
(Sabihin mo na)
[Chorus]
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka
Urong-sulong ka, bakit ka ganyan?
Urong-sulong ka (urong-sulong)
[Outro]
Urong-sulong, urong-sulong (urong-sulong)
Urong-sulong, urong-sulong
Bakit ba, bakit ba, bakit ka ganyan?
Hindi mo ba ito napapansin
Na ako'y may pagtingin din?
Urong-Sulong was written by Christine Bendebel.
Urong-Sulong was produced by Ronnie Henares.