[Verse 1]
Kung ang tinig mo'y 'di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig?
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon?
Kung bawat pagdaing ay laging pabulong
[Verse 2]
Aanhin ko pa dito sa mundo
Kung ang mga matang nakikita'y 'di totoo?
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal?
[Chorus]
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
[Verse 3]
'Diba't ang gabi ay mayroong wakas?
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
[Chorus]
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
[Outro]
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
Isang Lahi was written by Vehnee Saturno & Freddie A. Saturno.
Isang Lahi was produced by Vehnee Saturno.