[Intro]
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
[Verse 1]
Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Mahilig maglaro
Hindi mapalagay
Umaagos, dumadaloy at patalon-talon
Maririnig ang tawa sa ilog at talon
[Verse 2]
Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Anyo'y pabago-bago
Hindi mapalagay
Hamog sa umaga
Singaw 'pag nainitan
Umaakyat sa langit at nagiging ulan
[Refrain]
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Inumin 'pag uhaw
Higupin 'pag sabaw
Pasok sa katawan
Nagiging bahagi ng laman
Hulog ng langit
Kilig ng palayan
Yakap ang mundo
Yapos ng kalikasan
[Refrain]
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
[Refrain]
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
[Refrain]
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
Tubig, tubig, tubig
Ay tubig
Tubig was written by Joey Ayala.