[Verse 1]
Dakilang Manlilikha, narito po ako
′Sang pirasong lupa sa palad ng mundo
Puso'y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo
[Verse 2]
Salamat sa araw, sa buwan at bituin
Sa hayop at halaman, sa ulan at hangin
Salamat sa kaibigan at kapwa tao ko
Salamat sa Inyo
[Verse 3]
Bawat sandali ng buhay ay ligaya
Bawat hininga ay tunay na biyaya
Bawat paghihirap ay may gantimpala
[Verse 1]
Dakilang Manlilikha, narito po ako
′Sang pirasong lupa sa palad ng mundo
Puso'y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo
Amen
Tungo Sa Liwanag was written by Joey Ayala.
Joey Ayala released Tungo Sa Liwanag on Mon Aug 04 1997.