[Verse 1]
Supling ng langit, supling ng dagat
Sa yakap ng lambat
Halik ng araw, halik ng puso
Walang pagmamahal
Kay isla, isla
[Verse 2]
Mga damdamin, mga hangarin
Sa hangin at bula
Mga pangakong may katuparan
Madadaungan ba
Si isla, isla
Bukas, bukas kaya
O isla, isla
[Refrain]
Katahimikan sa kailalim-laliman ay sisisirin
Kaunting kapayapaan at kaligayahan ang hahanapin
Ibang aklaya, ibang pasigan ang nais marating
Ni isla, isla
Mararating kaya
Ni isla, isla
[Verse 3]
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
[Verse 4]
Hanggang saan ang dalampasigan
Hanggang saan kaya
Kung lalangoy ng tuloy-tuloyan
Dulo'y mararating ba
Ni isla, isla
Buhangin sa pisngi
Isla, isla
'Sang butil ng ngiti
[Refrain]
Katahimikan sa kailalim-laliman ay sisisirin
Kaunting kapayapaan at kaligayahan ang hahanapin
Ibang aklaya, ibang pasigan ang nais marating
Ni isla, isla
Mararating kaya
Ni isla, isla
Mga hangarin niya
O isla, isla
[Verse 5]
Sa dapithapon, sa takipsilim
Mayro'ng madarama
Wisik ng dagat na kasing-alat
Ng luha sa mata
Ni isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
Isla, isla
Isla was written by Joey Ayala.