[Verse 1]
Tibok ng aking puso ay lumalala
Sa t'wing naiiisip mga bagay na
Gustong magawa habang mga paa'y
'Di pa nakalapat sa parihaba
Pa'no nga ba makakapiglas
Sa takot na dinaranas?
[Pre-Chorus]
Palaging sinasabihan ang iilang kaibigan
Laban lang nang laban, buhay ay talagang ganyan
[Chorus]
Madalas na mangaral sa iba
Bakit sa sarili ay hindi mo magawa?
Bakit sa sarili ay hindi mapairal?
Madalas na mangaral sa iba
Eh pa'no ka? Oh, pa'no ka?
[Verse 2]
Tibok ng aking puso ay lumalala
Sa t'wing merong tsansa na dumaraan
'Pag sinusubukan ko nang gumalaw
Para bang lalo lang nabibigatan
Pa'no nga ba makakaligtas
Kumunoy ba'ng dinaranas?
[Pre-Chorus 2]
Palaging pinakikinggan, ang iilang kaibigan
'Di pinipiling ipaalam ang aking nararamdaman
[Chorus]
Madalas na mangaral sa iba
Bakit sa sarili ay hindi mo magawa?
Bakit sa sarili ay hindi mapairal?
Madalas na mangaral sa iba
Eh pa'no ka? Oh, pa'no ka?
[Outro]
Pa'no nga ba makakapiglas
Sa takot na dinaranas?
takot was written by Josue (PHL).
takot was produced by Josue (PHL).
Josue (PHL) released takot on Sat Apr 16 2022.