​​babala by Josue (PHL)
​​babala by Josue (PHL)

​​babala

Josue (PHL) * Track #2 On ALAS DOS

​​babala Lyrics

[Verse 1]
Ito'y isang babala aking isipan mahahalintulad sa isang lugar
Kung saan may karumal-dumal na krimen at ang kriminal
Walang iba kundi ako rin, ’di mo pupwedeng tingnan
Hindi pupwedeng pasukin, 'pagkat walang pinagkakatiwalaan na sinuman
Kaya alis na sa'king harapan, ’wag na, 'wag mo 'ko papakitaan
Ng ilusyon mo't kapekean, kahit na parehong gumagawa ng talatang
Palaban ang nilalaman naman ng aking kasulatan
Malaking kaibahan, bawat salita'y siguradong makabuluhan lang

[Verse 2]
Nilalayuan, mga mapagpanggap sapagkat
Nababasa ng mga tunay ang karakas nila
Rumaragasang mga tula na ginawa
'Pag tinamaan malala, paralisa, parang napana ni Mirana
Ubod ng metikuloso 'di nagpapaloko
Natutunan ko na 'to nung ako pa’y nakikisosyo
Sinosolo ang delubyo, ’di kailangan sumaklolo
Para lampasan pagsubok panahon na ang sumubok
Ako nagsilbi na guro, 'di kailangang nagtuturo
Lalong-lalong na siguro, ’pag 'yung taong bumubulong
'Di alam ang puno't dulo’t makinig ay 'di marunong
Aking dugo'y kumukulo, kuko ko'y nakabaon na sa bungo

[Pre-Chorus]
'La 'kong susundang anumang yapak sa bawat pagtapak
Sa mundong malawak, sariling daan aking tinatahak
Dugo may dumanak, luha may pumatak
'Pagkat mga balak ay nakatatak sa'king utak 'to'y magtatalak

[Chorus]
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat (Wooh, yah)
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat

[Verse 3]
'Di ako si "J" na merong hesoyam
'Di porket nag-rarap ako'y mag-aastang
Pinakamalakas, tulad mo tao lang
Subukan mong basagin, 'di tatakbuhan
'Wag mo 'kong lalapitan, 'di magkaibigan
'Di 'to kapatiran, 'yoko mabahiran
Ang katahamikan, ang kinakailangan
'Yoko nang alitan, 'yoko nang alitan
Dahil abala na 'ko sa pinakamtinding away
Labanan ng mga boses sa bunbunan ko'y walang humpay
'Wag ka nang sumabay, lumubay
Wala sa bokabularyo nila, hanggang magtagumpay
Magdamagang tambay, magdamag nagbabangayan
Kung ayaw mong madamay, nararapat lang na ako ay 'yong lubayan
Habang maaga pa kung ayaw mong makatay

[Verse 4]
'Di 'to matadero baka mapagkamalan na isa
Dahil nakakahiwa ang limang nasa dila, 'wag na
'Wag kang mag-aasta sa akin ng kahayupan
Talagang malalagutan ka na nang hininga
'Di nababahala kahit pa walang tumulong
'Di kailangan ng ka tropang puro angas lang ang punto
Para sa'n pa ang lupit kung pilit lang hindi totoo
Pipiliin ko na lamang mag-isa na parang lobo
Kesa sa maki-isa sa mga tulad niyong pabibo
Tinuturing teritoryo itong musikang ganito
Kailan pa naging sa inyo ito para sugapain
O hamakin ang sumubok nitong sining na kahit kanino

[Pre-Chorus]
'La 'kong susundang anumang yapak sa bawat pagtapak
Sa mundong malawak, sariling daan aking tinatahak
Dugo may dumanak, luha may pumatak
'Pagkat mga balak ay nakatatak sa'king utak 'to'y magtatalak

[Chorus]
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat (Wooh, yah)
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat

[Bridge]
'Di ko alam kung ano'ng aking ginagawa
'Di ko alam kung ito nga ba ay tama
Sa sarili kong mundo ako'y nawawala
Ako'y layuan, ako'y layuan

[Pre-Chorus]
'La 'kong susundang anumang yapak sa bawat pagtapak
Sa mundong malawak, sariling daan aking tinatahak
Dugo may dumanak, luha may pumatak
'Pagkat mga balak ay nakatatak sa'king utak 'to'y magtatalak

[Chorus]
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat (Wooh, yah)
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat
Walang pake kahit bakat ugat
Lumayas ka na sa'king parisukat

​​babala Q&A

Who wrote ​​babala's ?

​​babala was written by Josue (PHL).

Who produced ​​babala's ?

​​babala was produced by Josue (PHL).

When did Josue (PHL) release ​​babala?

Josue (PHL) released ​​babala on Sat Apr 16 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com