​​mithi by Josue (PHL)
​​mithi by Josue (PHL)

​​mithi

Josue (PHL) * Track #1 On ALAS DOS

​​mithi Lyrics

[Intro]
Ano na, Joshua? 'La ka nang usad, ayaw mo na ba?
Nananatiling nakagapos sa kanilang mga
Imahinasyong pagkatao mong pinapantasya
Na hindi naman akma sa minimithi mong mga
Pangarap na nilangaw na at napabayaan
’Wag mo nang hayaang iba ang gumawa ng
Iyong hinaharap dahil buhay mo'y ikaw ang may akda

[Verse 1]
Pero pa'no ko gagawin? Mga mata na nakatingin
Ibang kanilang palalabasin, kesa sa panoorin
Mamasamain ang mga gawain, dapat na balewalain
Dapat wala ka nang pakialam, pagtuunan mo na lang ng pansin
Kung ano man ang ’yong hangarin
'Yaan mo na lang sila na magalit
'Lang inapakan siya ang papalarin
Kapayapaan do'n ka mamalagi
Mawawawala rin ang kabang nasa damdamin
Mga pasanin, mga pasakit na 'yong dadalhin
Kaya sa sarili'y 'wag tanggalin ang pagmamalasakit, ahh

[Bridge]
Tama naman ang binanggit mo sa'kin na mantra
Pilit kong isasabuhay ’yong mga lektura
May mga parte lamang ako na ’di nakuha
Ang ingay kasi sa labas, pinto ko naman ay nakasara

[Verse 2]
Teka lang muna, ako'y napaisip kung nakandado ba
Bakit mga boses nila’y lalong lumala?
Beat sa'king tenga, sila ba ay nakapasok na
Ako lamang ang may susi dito sa tahanan
Sino ang magtatangkang ako'y manakawan?
Ngayong ala una y media ng umaga
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ng makita kong wala
Namang tao ako lang mag-isa, mga tunog ay malinaw na
Tumigil ka, sino ka ba? Para sabihan ako na mahina
'Di ka masyadong marinig kanina
Sa’n galing balita? Mag-usap pa nga tayo dito, halika

[Verse 3]
'Wag kang mahiya, 'wag mo 'ko talikuran
Boses mo'y humina, 'wag mo 'ko iwasan
Kailangan kita nang maliwanagan
Baka kilala mo 'ko nang lubusan
Parang pamilyar, 'yung aking napakinggan
'Di ba dati pa, ako'y 'yong pinaringgan ng mga salitang
Aking pinanghihinaan d'yan ka lang, d'yan ka lang

[Outro]
Pa'no ko ba 'to malalampasan?
Kung sa tuwing kausap ko siya ay iyong sinasabatan
Madaming katanungan na kailangan mong sagutan
Sabi niya saka na lang, 'pag 'yung isa'y nand'yan

​​mithi Q&A

Who wrote ​​mithi's ?

​​mithi was written by Josue (PHL).

Who produced ​​mithi's ?

​​mithi was produced by Josue (PHL).

When did Josue (PHL) release ​​mithi?

Josue (PHL) released ​​mithi on Sat Apr 16 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com