[Verse 1]
Ikaw ang kasama sa panaginip ko
Buhay na alaala sa puso’t isipan
Nadarama pa rin ang ‘yong pagmamahal
Gunita ng kahapon kay sarap balikan
[Chorus]
Dito sa puso ko’y hindi ka mawawala
Sa panaginip lang muling makikita
Ating sariwain ang pagmamahalan
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan
[Verse 2]
Kahapong lumipas ay puno ng saya
Sa panaginip lang muling madarama
Lambing at haplos ng wagas na pagsinta
Tagos sa ‘king laman at buong kaluluwa
[Chorus]
Dito sa puso ko’y hindi ka mawawala
Sa panaginip lang muling makikita
Ating sariwain ang pagmamahalan
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan
[Bridge]
Laging narito ka sa loob ng dibdib
Hindi malilimot ang ating pag-ibig
[Chorus]
Dito sa puso ko’y hindi ka mawawala
Sa panaginip lang muling makikita
Ating sariwain ang pagmamahalan
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan
[Chorus]
Oh, dito sa puso ko’y hindi ka mawawala
Sa panaginip lang muling makikita
Ating sariwain ang pagmamahalan
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan, oh
[Instrumental]
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan...
Oh, kay sarap damhin at muli pang balikan
Sa Panaginip Lang was written by Jaybee Ramos & Jopper Ril.
Sa Panaginip Lang was produced by Jopper Ril.
Jopper Ril released Sa Panaginip Lang on Tue Apr 21 2020.