[Verse 1]
Girl, naaalala mo pa ba
Ang ating nagdaan na dati’y kay saya?
Girl, maligaya ka ba ngayon
Katulad ng ating nagdaang panahon?
[Pre-Chorus]
Girl, iba ka talaga
Walang katulad ang iyong ganda
Girl, mahal pa rin pala kita
Ikaw ang hanap sa tuwina
[Chorus]
Oh, oh, girl, sana’y makita ka
Oh, oh, girl, minsan pa’y mayakap kita
Oh, oh, girl, ikaw ang aking ligaya
Oh, oh, girl, init mo ang nadarama
[Verse 2]
Girl, nalulungkot ka ba ngayon
Kapag bumabalik ang ating kahapon?
Girl, nadarama mo pa kaya
Ang tamis ng ating pagmamahalan?
[Narration]
Girl, hindi ka mawala sa puso’t isip ko
Hinahanap ko pa rin ang pagmamahal mo
Sana’y marinig mo, sigaw ng damdamin
Ikaw ang mahal ko, at nais makapiling
[Pre-Chorus]
Girl, iba ka talaga
Walang katulad ang iyong ganda
Girl, mahal pa rin pala kita
Ikaw ang hanap sa tuwina
[Chorus]
Oh, oh, girl, sana’y makita ka
Oh, oh, girl, minsan pa’y mayakap kita
Oh, oh, girl, ikaw ang aking ligaya
Oh, oh, girl, init mo ang nadarama
Oh, oh, girl, sana’y makita ka
Oh, Girl was written by Jaybee Ramos & Jun “Magnum” Garlan.
Oh, Girl was produced by Jopper Ril.
Jopper Ril released Oh, Girl on Tue Apr 21 2020.