[Verse 1]
Lagi ka sa alaala
‘Di ka nawawalay
Ikaw ang tanging mahal
N’yaring buhay
Kaysarap isipin
Ang ating nakaraan
Halik mong kay tamis
‘Di malimutan
[Chorus]
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
[Verse 2]
Umaasa ako sinta
Sana’y magbalik ka
Dito sa aking kandungan
Laging inaasahan
Kung ikaw ma’y nakalimot
Sa ating sumpaan
‘Di kita masisisi
Sa’yong kapasiyahan
[Chorus]
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
[Chorus]
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
Kailan kita mayayakap
Kailan kita muling mahahagkan
‘Di kaya ako’y limot mo nang tuluyan?
Kailan Kita Mayayakap? was written by Jun “Magnum” Garlan & Jaybee Ramos.
Kailan Kita Mayayakap? was produced by Jopper Ril.
Jopper Ril released Kailan Kita Mayayakap? on Thu Feb 13 2020.