Pista sa aming nayon, ang lahat ay may handaan
At bawat tahanan dito ay may tugtugan
Masdan mo ang binata, sa dalaga ang tanaw
'Pagkat ang tala sa bukid ay taos kung magmahal
Ibon sa puno ng kahoy ay umawit sa aliw
At nagkundaya ng dahon sa halik ng hangin
Ang maghapon nang maparam at lumakad ang dilim
Naglamay pa sa harana ang binata sa bituin
Sa himig ng gitara ang dalaga'y napabangon
Dinungaw ang pusong sa pag-ibig, humahabol
At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon
[Instrumental]
At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon
Ganyan dito sa nayon
Pista ng Nayon was written by Santiago S. Suarez & Levi Celerio.