[Verse 1]
Kung nagsasayaw si Neneng at ako ay walang pagod
Ang kanyang magagandang paa na sa hakbang ko’y sumusunod
Ngunit ‘di alam ni Neneng na ako ay naghihirap
Dahil sa pag-ibig at tunay na paglinga
[Pre-Chorus]
Ang mga dalaga kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo
[Chorus]
Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang alitit ng kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan
[Verse 2]
Neneng ko h'wag limutin, tayo'y perlas ng silangan
Dahil sa dilag mong pambihirang kayamanan
Bukid ay dakila kaysa lungsod na mailaw
Pandanggo'y sayaw ng kayumangging kaligatan
[Instrumental]
[Pre-Chorus]
Ang mga dalaga kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo
[Chorus]
Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang alitit ng kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan
[Outro]
Pandanggo’y sayaw ng kayumangging kaligatan
Pandanggo ni Neneng was written by Santiago S. Suarez & Levi Celerio.