Dalagang Pilipina by Ruben Tagalog
Dalagang Pilipina by Ruben Tagalog

Dalagang Pilipina

Ruben Tagalog * Track #6 On Dalagang Pilipina

Dalagang Pilipina Lyrics

Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi't dakilang ganda

Maging sa ugali, maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso, maging sa pag-irog
May tibay at tining ang loob

Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap

Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta

[Instrumental]

Maging sa ugali, maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso, maging sa pag-irog
May tibay at tining ang loob

Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap

Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta

Dalagang Pilipina Q&A

Who wrote Dalagang Pilipina's ?

Dalagang Pilipina was written by José Corazón de Jesús.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com