Nag simula ang pagtingin, sa pagsilip sa computer screen
Ako'y napaisip, sabi sa sarili, ika'y magiging akin din, ako'y nag message
Pa-hapyaw pumuri, baka ika'y matunaw
Pusong matigas baka pwedeng malusaw
Sana mag reply, baka ako'y magunaw
Aking kalamnan tulyan nang napukaw
Ng kagandahan mong talagang tumatagos
Gabi-gabi nalang ang hininga kinakapos sa kakatitig ko sayo
Hindi ko na batid kahit lapnos ang aking kanang palad kaka-kayod ko
Para sayo
Nagiipon para pasayahin ka, sagot ko na basta naka-ngiti ka
Pero alam ko na wala ka ngang idea, na gustong-gusto kita (kaya)
Kada-post mo ng iyong letrato, ako'y sumasaya habang hinahaplos
Iyong mukha sa salamin ng aking telepono, kelan papansin ang katulad ko?
Kelan sasagutin ang mensahe ko? kelan mo makikita na ako ay tao?
Kelan pa ba ako titigil kakatanong sa sarili ko "haaaay sino ba ako?"
Alam ko naman, na wala akong bilang sa iyong mundo
Gusto ko lang na malaman mo, ramdam ko ang iyong pasan
At ako ay katulad mo pinabayaan din ng mundo
Alam ko rin nam an na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko
[Chorus]
Ang alamat ng talunan x4
Nakikita ko sayo ang sakit na aking pinagdaraanan
Ang hinagpis ng inahas, kamandag na gumagapang pa sa iyong kalamnan
Hindi mo ma-wari kung paano ka ginanyan, binigay mo naman ang lahat
Hindi mo na nga tinirhan ang sarili, iniwan ka pa na wala kang alam
Pasang tumagos pisikal espiritual, inalay mo lahat pati na ang iyong dangal
Inuka sa iyong dibdib, ang kawalan. Pero bakit mabigat, di ba dapat gumaan?
Ngayon ika'y nagiisa na katulad ko, bigla nalang ligaw sa lawak ng mundo
Kaya ito ako ngayon, nilalapit ko ang aking kamay para kapitan mo
Nabalitaan ko bigla, na sya ay nag balik. nakapaskil agad letrato nyong nag hahalikan
Sa magara na hotel pa nyong napag-isipang makipagbalikan (malamang sabay kantutan)
Pero bakit nakikita ko sa post mo ngayon, di naman nag bago
Ganun parin, ikaw parin ay ginagago, animal parin ang kanyang pagtrato sayo
Ngayon ika'y nag tatanong. Bakit ganun? Bakit ganito?
Di ka maintindihan ng mga tao sa paligid mo, pero ako'y nandito
Ako'y katulad mo pinabayaan ng mundo abutin ang aking kamay at itatakas din kita pero
Alam ko rin naman na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko
[Chorus]
Ang alamat ng talunan x4
Eh ganito lang talaga, hindi pinalad biyayan ng mukhang nagmula sa paghubog ng kalangitan
Na mala anghel na nahulog sa mundo
Ako'y hamak lamang na nilalang na umaasa sa iyo, na mapansin mo
Isang kang diyosang naglalakad kasama ng mga tao
Tignan mo nga ako?
Sa kada pagtingin sa salamin di mapigilan ang sarili dumuwal (fuck!)
Gabi-gabi nalang ako'y umiiyak, sinasaktan sarili ko, hawak aking punyal (fuck?)
Para lang makar amdam, kahit katiting na pagtingin, ako'y uhaw sa pagmamahal
Sa kada silip ng mga matang mapang husga, ako'y nanliliit nawawalan ng halaga
Masakit tanggapin, kahit anong gawin, hindi ako ang pipipliin
Kahit na anong galing, sa aking sining, (pakshet) di ako ang pipipliin
Walang pam-porma, wala ring kotche walang nang pera, wala ring chongke
Kaya hinding-hindi kita masisi, kaya hinding-hindi kita mapilit
Na sumagot sa aking mensahe, okay lang. Kahit na dyahe
Tinanggap ko na lang na di ako ka-akit-akit, nag-desisyon manahimik
Isang gabi, ako'y nakatanggap, PM mula sayo ang puso ko'y lumundag
Agad nalugmok noong binasa ko na, "hu u?" ang tanong, aba'y putang ina
Hindi nga pala ako nagpakilala
Nanulat na Talunan was produced by Serena_DC.
Calix (PHL) released Nanulat na Talunan on Thu May 31 2018.