“Nadarang”, the 2017 hit by Filipino rap sensation Shanti Dope, uses his profound ability to compound storytelling with solidly crafted trap beats, to chronicle his exhaustion with being the man who only receives the attention of his crush when her lover is away, or disappoints her, as if he is her...
[Chorus: Klumcee]
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
[Verse 1: Shanti Dope]
May lakad ka ba mamaya? Pwede ka ba makasama sa paggagala?
Kung sakaling 'di ka puwede sa bagay, meron din akong ginagawa
Siguro nga napapaisip ka, ba't ako nangangamusta?
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko nag-aalala lang ako baka sa'n ka mapunta
Pero mukhang ayos ka naman kahit 'di na kita abalahin pa
Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat? Para patago kang mag-alala sa'kin (Uh)
Habang pinapantasya lamang nila ay mascara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga
'Yung ikaw sa likod ng kolorete pa din ang nangangahulugan sa salitang "paraiso" para sa'kin
Bakit kaya kayamanan ko pa ding kinikilala? Ang iyong pagtawa
Kahit na sa puso mo man ay ilang dosena na din ang kasya
Dati pa 'kong pinagdamutan ng kapalaran kaya 'di na bago sa'kin mawalan ng pag-asa
Ala-una ng umaga na naman, tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi na kayo magkasama
[Chorus: Klumcee]
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
[Verse 2: Shanti Dope]
May lakad ka ba mamaya? Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
Sabihin mo ngayong ako'y makakaasang, dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan ay handang-handa pa din naman ako mamaos
Nakakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang na paraan kita tutulungan makaraos
Bakit ka nagparamdam? Siguro 'di na kayo nilanggam
Ba't kaya 'di niya alam ang 'yong halaga't kung ga'no ka kalinamnam?
Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata ang hirap na magpabaya
Kapag tawag na ng laman ang nagbadya, makipaglangit-lupa ng walang taya
Mata sa mata, bibig sa bibig, mga ingay na tayo lang dalawa nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?
[Chorus: Klumcee]
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
And'yan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
Nadarang was written by Klumcee & Shanti Dope.
Nadarang was produced by Klumcee.
Shanti Dope released Nadarang on Fri Dec 08 2017.
This song is in Tagalog, the most popular language from The Philippines, Nadarang’s home country