[Chorus: Klumcee]
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mong
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
[Verse 1: Shanti Dope]
Dati na sa panaginip lang ang binibini na
Naging rason ng kada gising ko sa umaga
Kung magmahal ka kalangita'y nagiging kama
Parang gabi-gabi kung makasiping ko si Darna
'Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman
Ang ibig sabihin ng kayamanan
Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan
Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan
Bagong telepono, magara na sapatusan
Ngayon ay 'di ko maibibigay ang iyong layaw
'Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sa'yo
Na laging ikalabing apat ng Pebrero kada araw
Halik mo ay hindi kayang tuldukan
Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
'Di ka man mahandugan kahit maski pandesal
Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal
[Chorus: Klumcee]
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mong
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
[Verse 2: Shanti Dope]
Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin
Madalas lang talaga 'ko kailanganin do'n sa amin
Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin?
Makasibat na nga, nanlalamig ka na ba sa'kin?
Nako sana 'wag naman gustuhin ko mang agaran
Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa
'Wag kang mag-alala sa aking kalagayan
Sa ngayon ay kaya ko nang ibigay sa'yo ang kalawakan
Habang nakahiga't magkahawak ang kamay
Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay
Tawanan hanggang sa mag-umaga
Mapa-kahirapan ay kasama mo akong umaray
Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
Mga bagay na sana'y nagawa pa natin noon
Kung 'di ako nakatulog ng nagmamaneho't gisingin
Ng dalawang higanteng ilaw na sa'kin pasalubong
[Chorus: Klumcee]
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mong
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
[Bridge: Shanti Dope]
Kung nandirito ka lang ay nasa langit na 'ko malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam sa'yo'y malamig na hangin
'Di ka man kayang yakapin, nagawa kang tabihan
Ng ako lang ang may alam

Materyal was written by Shanti Dope.
Materyal was produced by Klumcee.
Shanti Dope released Materyal on Thu Dec 07 2017.