A Filipino teenager new to the “Pinoy Rap-game” releasing fire 🔥 singles, in 2 days gets noticed in famous radio stations in the Philippines. His unique beats and style of singing is different in comparison from other Filipino rappers. As he raps about this topic in his song “Shantidope”.
[Chorus: Gloc-9]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
[Verse 1: Shanti Dope]
Gandang umaga haring araw, tulala sa kaning bahaw
Pang-amoy na nabusog sa lumalapang alingasaw
Ng kalye't kairitang, halayang ininit lang
Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang
Pasok sa paaralan, gano'n pa din pag-uwi
Dakilang tagahiwalay ng de kolor sa puti
Poso na nagturo sa'king, pa'no humingang malalim
Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin
Mababad man sa gawaing bahay laging nangunguna
'Pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyo
Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo pa
[Pre-Chorus: Shanti Dope]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin
Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
[Chorus: Gloc-9]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
[Verse 2: Shanti Dope]
Taas noo pa ding nakayuko, salop man ay madalas mapuno
Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo
Parang kada buwan nakikipagbuno tuwing araw ng dalaw laging madugo
Gayon pa man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo
Napapakapit tuko lahat ng aking kuko, nakabaon ng malalim
Para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo
Ang dami nating gusto na 'di magawa 'pagkat ayaw nating matukso
Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin kapag ka dumating na ang ating sundo
Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta
Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
Sa dinami-dami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga
'Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta
[Pre-Chorus: Shanti Dope]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
[Chorus: Gloc-9]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
[Outro: Gloc-9]
Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo
Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo
Shantidope was written by Gloc-9 & Shanti Dope.
Shanti Dope released Shantidope on Thu Dec 07 2017.