[Verse 1]
Maghihintay ako
Habang nabubuhay
Laging laman ng puso ko
Makita ang pagbabalik Mo
[Verse 2]
At kung sakali man
Ako ay papanaw
Pag-asa ko pa ri'y Ikaw
Bubuhayin sa huling araw
[Chorus]
Maghihintay ako sa 'Yo
Hinding-hindi magbabago
Magunaw man itong mundo
Pag-ibig ko'y sa 'Yo
Mahihintay t'wina
Laging maghahanda
Upang tayo ay magkita
Sa piling ng Ama
[Verse 3]
At kung sakali man
Ako ay papanaw
Pag-asa ko pa ri'y Ikaw
Bubuhayin sa huling araw
[Chorus]
Maghihintay ako sa 'Yo
Hinding-hindi magbabago
Magunaw man itong mundo
Pag-ibig ko'y sa 'Yo
Mahihintay t'wina
Laging maghahanda
Upang tayo ay magkita
Sa piling ng Ama
Mahihintay t'wina
Laging maghahanda
Upang tayo ay magkita
Sa piling ng Ama
[Outro]
Maghihintay sa 'Yo
Maghihintay Ako was written by Daniel Razon.