[Intro]
Kay buti Mo, Panginoon
Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man
[Verse 1]
Itong aking diwa ay nanglulupaypay
Ama'y dumaraing abutin itong kamay
Lakas ko'y nasa Iyo, pag-asa sa buhay
Dinggin Mo, oh Dios itong panambitan
[Verse 2]
Buhayin Mo ako dahil sa 'Yong ngalan
Hirap nitong puso sana ay lunasan
Kung wala mang taong lumilingap sa aking kaliitan
Kanlungan ko'y Ikaw Ama ligaya sa kalungkutan
[Refrain]
Panginoon, Ika'y aking awit
Sa tuwi-tuwina'y laman n'yaring dibdib
Lungkot napapawi sa puso ko't isip
Dahil sa kat'wiran sa pagkatao ko'y Iyong iniukit
[Chorus]
Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man
Kabutihan Mo Ama'y 'di matutumbasan
Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man
Pangalan Mo'y matibay na moog, aking kaligtasan
Ang Iyong kagandahang-loob ay magpakailan man
Dahil dito Ika'y pinasasalamatan
[Outro]
Pupurihin, sasambahin
Habang ako'y nabubuhay
Kay Buti Mo Panginoon was written by Daniel Razon.