[Verse 1]
Alam kong Ikaw ang makagagawa
Ako'y palakasin kapag nanghihina
Linisin sa 'king pagkakasala
Tukso'y matitiis kapag kapiling Ka
[Chorus]
Ang lakad ko Ama ay ituwid
Tulungang piliin banal na pag-ibig
Pagsuyo sa 'Yo'y h'wag maipagpalit
Mga kalayawan, ialis sa dibdib
[Verse 2]
Ako ay natatakot baka isang araw
Puso'y maghanap ng ibang pagmamahal
Hawakang mahigpit aking mga kamay
Huwag Mong pabayaang ako'y makabitaw
[Chorus]
Ang lakad ko Ama ay ituwid
Tulungang piliin banal na pag-ibig
Pagsuyo sa 'Yo'y h'wag maipagpalit
Mga kalayawan, ialis sa dibdib
[Chorus]
Ang lakad ko Ama ay ituwid
Tulungang piliin banal na pag-ibig
Pagsuyo sa 'Yo'y h'wag maipagpalit
Mga kalayawan, ialis sa dibdib
[Chorus]
Ang lakad ko Ama ay ituwid
Tulungang piliin banal na pag-ibig
Pagsuyo sa 'Yo'y h'wag maipagpalit
Mga kalayawan, ialis sa dibdib
[Outro]
Mga kalayawan, ialis sa dibdib
Banal na Pag-ibig was written by Daniel Razon.