[Verse 1]
Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan
Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan
May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan
Alam kong alam niyo na, mali po 'yan
Mag-aaral na madalas pa sa inuman, kesa sa paaralan
Naka-lock pintuan, wala nang hintuan
Mga batang babae na 'pag nasa inuman
At nahipuan ta's nalibugan, lahat nakakalimutan, ahh
'Pag nagbunga dahil pinairal landi niya
Tiyak meron na namang pamilya na walang-wala sa lipunan
Kasi ginagawa pa din, 'di naman napag-ipunan
'Pag ang hinaharap, 'di maharap, tatalikuran
Lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino
'Pag nakabuntis, 'di mo na makita maski anino
Ang obligasyon sa bata ay kakalimutan
Kawawang sanggol, nakaranas agad ng kabiguan
[Verse 2]
'Di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo
Napansin ko lang kasi na ang haba na ng sungay mo
Nagkakandarapa sa pagkayod nanay at tatay mo
Anong tingin mo sa kanila sa bahay niyo alalay mo?
Puro damo, bato, damo, bato
'Yan ang lagi niyong bukambibig, ano ba 'to?
Sabog ka lang pakiramdam mo, 'stig ka 'pag nakasinde
Feeling king, oo, king ng mga walang silbe
Ibenta mo na utak mo kung 'di mo ginagamit
'Pagkat agwat ng utak niyo ni Geo, 'di malapit
'Pag pinaisip mo nang kalokohan, punong-puno
Ang utak pero 'pag seryosohan, tuyong-tuyo
[Verse 3]
Tumatanda ka nang batugan, wala kang pakinabang
Wala ka pang diskarte, panay ka kasi yabang
May pangarap ka rin ba na gusto mo makamit?
O nag-aantay ka lang ng bagong usong pananamit?
Mas inuuna pa ang bisyo kesa humanap ng piso
Ba't ka ba ganyan? Ba't sobrang landi mo?
Ano na lang kaya ang mangyayari sa'yo?
Kung itutuloy mo pa rin pagiging laging gan'to, ha?
[Interlude - Spoken]
When we look at our lives today
Lagi na lang udlot, laging may nasasayang
Laging hindi tayo makaabot sa standard
Kaya ayaw sa bahay nila
'Asa bahay sanglaan, bahay inuman, bahay sugalan
Bahay ng mga babaeng 'di lumilipad
Bahay ng mga lalaking 'di mo alam kung lalaki
Iba-ibang bahay pero 'yung lahat ng bahay na yun
Ay mga bahay na kulungan
Akala mo masaya ka but you are actually limited
Pagka-nakabilanggo ka limited ka, restrained ka
Hindi mo mae-enjoy ang talagang gusto mong enjoy
Ang ineenjoy mo lang, akala mo nagbibigay ng enjoyment
But it is always bitin
[Verse 4]
Sobra ka kung manghingi ng pambaon
'Di naman pumapasok, nagdo-Dota ka lang maghapon
Pagdating ng panahon, sigurado bagsak ang grado
Nakakapanghinayang ang mga ganyan na tao
Sandamakmak ang pagkakataong nasayang
Nung napahiga, 'di na nakabangon sa kamang
Merong bed sheet ng kamalasan
Niyapos-yapos, nilaway-lawayan ang unan ng katamaran
Nagkandabaon-baon ka na nakaraang taon
Kakaadik hanggang ngayon, ano, sanay ka na nang gano'n
Habang-buhay ka na lang bang magpapa-alipin sa kahirapan?
Ang haba ng listahan sa tindahan para sa pangangailangan
Tatlong libong piso para sa paboritong bisyo
'Pag giyang na't aburido, shabu doon, shabu rito
Mga sir, paalala lang, 'di na uso ang lagay
'Wag niyong sisihin si Duterte kapag ka may namatay
[Verse 4]
Malalaswang galawan ng mga pasok sa "P, Big Brother"
Tipong kakakilala lang, sila na kagad three days after
'Di ba't 'yan ang natututunan niyo kakapanuod
Inuunang pagandahin ang labas kesa panloob
Para may pang walwal, nanakawan pati magulang
"Anak, ba't ka ba ganyan? Sa'n ba kami nagkulang?"
Wala ka lang pake kasi bingi ka na
Ang naririnig mo na lang ay "Pare, sindi ka pa"
At 'wag na 'wag na 'wag mong sisisihin kahirapan
Nagsisikap magulang mo para lamang maigapang
Ang iyong pag-aaral, wala kang kasing yabang
Wala ka ding galang, nakahiga lang
Dakilang walang pakinabang
[Interlude - Spoken]
Sa pamilya, 'yung mga anak na matitigas ang ulo
'Yung mga anak na naglalayas
Wala siyang proteksyon ng kaniyang mga magulang
Gusto magsarili, ayun imbis na mag-aral, hindi nakapag-aral
Sa mga magulang niya, pinag-aaral siya
Ayaw niya, ayun, nag-stand by
'Yung ibang mga kapatid nakatapos na siya stand by pa rin
Uuwi 'yan ng bahay after many, many, may, many, many problema's
Either may tama na, o nalagpasan na siya
Ng pagkakataong mag-aral pa at makaabante sa buhay
[Outro]
Karanasan ko rin sa buhay ang aking pinanghugutan
At saktong ito ang nangyayari sa kasalukuyan
Makiuso 'pag may uso, 'yan ay sakit na natin
Pero 'di 'yan tama, dapat ang sarili ay hanapin
Ang pinakamali sa lahat ng pagkakamali
'Yung 'di mo alam na meron kang ginagawang mali
Ituwid natin ang baluktot nating nakaraan
Gawing tama ang ating mga maling karanasan
Kasalukuyan was written by Geo Ong.
Kasalukuyan was produced by Jim Poblete.
Geo Ong released Kasalukuyan on Mon Mar 19 2018.