Gising by Geo Ong
Gising by Geo Ong

Gising

Geo Ong * Track #4 On Concerned Citizen

Download "Gising"

Gising by Geo Ong

Release Date
Mon Mar 19 2018
Performed by
Geo Ong
Produced by
J-Lhutz
Writed by
Geo Ong

Gising Lyrics

[Verse 1]
Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit
Kung sumabit ka, sana naman 'wag nang gumamit
Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa
Pakiramdam mo, ikaw ang palaging nasa gitna
Maya't maya ang 'yong tingin, sa'yong kanan at kaliwa
'Di makatulog kahit maghapon ka nang nakahiga
Tipong 'pag kargado ka, 'di ka pwedeng mabigla
Matapik ka lang ng konti, ika'y ready mandigma, 'di ba tama?
Kung iisipin, 'di astig ang tama
'Di na nga tama nangyayari, gumagawa ka pa ng 'di tama
Maling-mali 'yan at kailan man, 'di magiging tama
Ang magiging tama mo lang d'yan, tamang hinala
Kahit anong hithit mo d'yan walang hiwagang mangyayari
Maniwala ka mas lalo lamang lalala 'yan, pare
Wala, wala, wala, walang mapapala
Mas lalo lang 'yan lalala, 'pag hindi ka nakawala

[Verse 2]
Dose anyos na batang babae nagbebenta ng puri
Sa mura niyang edad, ang dami na niyang suki
Bakit mo ginagawa 'yan, iha?
Para kay mama, para hindi na sila mag-away pa ni papa
Anong klase kang magulang, kinaya mo 'yon? Sabog ka!
Habang anak mo hinahalay doon, tama na tulog-tulugan
Gumising na kayo ginagawa niyo na lahat, makabili lang ng shabu
Pagnanakaw, panghoholdap at pang-bubugaw
Ba't giyang na giyang na ang mundo parang gugunaw?
Ubos na ang mga ngipin at ang lalim na ng mata
'Di ka pa pwedeng kumalma, bakit ka laging taranta?
Pa'no na 'yung mga anak niyo 'pag nagkatokhangan?
Makikita kayong may karatula na 'wag tularan
Alam kong kaya niyo pa, kaya niyo pang lumaban
May plano ang Diyos sa inyo, 'wag niyo lang pangunahan

[Verse 3]
Binulag ng kaaway ang iyong paningin
'Di mo nakita ang liwanag, masyadong madilim
Ika'y lumapit, inakit sa kumono'y ng kasalanan
Habang nagkakasayahan, 'di mo namamalayan
Na ikaw pala'y nasa puder ng kasamaan
At wala na silang balak pang ika'y pakawalan
'Pag kinapos at naghikahos, lapit sa Diyos
Dahil ang pag-ibig Niya sa atin ay laging taos
Aming Amang hindi mapanghusga, kailangan kita
Tulungan po Ninyo akong maisalba sila
Ang buhay ay umiiksi, hindi 'yan humahaba
Lahat tayo tumatanda, hindi ka bumabata
Mahirap ang buhay kung iisipin mong mahirap
Kaya kahit tinatamad, pipilitin kong magsikap
Kahit anong sitwasyon basta tama ginagawa mo
'Wag matakot sa mga sasabihin ng ibang tao sa'yo

Gising Q&A

Who wrote Gising's ?

Gising was written by Geo Ong.

Who produced Gising's ?

Gising was produced by J-Lhutz.

When did Geo Ong release Gising?

Geo Ong released Gising on Mon Mar 19 2018.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com